“Asyano
ako, Ipinagmamalaki ko”
Isinulat
ni: Angelyn Castro
Marami sa atin na Asyano ang
pumupunta sa ibang bansa para mag-enjoy, Makita ang kanilang pamilya,
magtrabaho at marami pang iba, subalit sa pagpunta nila doon sila ay
binabalewala, sinusumbatan, ang kanilang kakayahan ay hindi ipinagmamalaki at
ikinagagalit sila ng karamihan kaya hindi nila ipinagmamalaki ito at madalas
itinatago nila ang tunay na lahi nila. Sa sanaysay na ito ipapaliwanag ko sa
iba pa nating kapwa Asyano na nasa ibang bansa na dapat lang natin ipagmalaki
at sabihin na “Asyano Ako!”.
Maraming dahilan kung bakit
ipinagmamalaki ko na ako’y isang Asyano ngunit sa ngayon ay magbibigay muna ako
ng tatlo: Una, ang balat natin na kayumangi, tayong mga Asyano ay hindi na
kailangan magpa-tan ng balat dahil nasa lahi na talaga natin ito. Pangalawa,
ang pagiging “hospitable” natin, Maraming tao sa ibang bansa ang gusto ng
ganitong “quality of service” para umunlad ang kanilang kabuhayan o kaya
magkaroon ng mga kaibigan. Pangatlo, ang “fighting spirit” natin, tignan natin
si Manny Pacquiao kahit siya ay nasasabihan ng maliit at hindi niya kayang
mag-boxing, nagpursige siya para maipakita niya sa mga tao na kahit maliit
siya, kaya pa rin niya ito at naipakita naman niya ito sa atin ng ilang beses
dahil sa kaniyang mga panalo.
Ang tatlong dahilan na iyon ang
gusto kong maipahiwatig sa kapwa kong mga Asyano para hindi na nila kailangan
itago ang tunay na lahi nila kundi ipagmalaki nila ito. Dapat hindi tayo
magpadala sa mga sinasabi ng mga tao tungkol sa atin dahil hindi pa naman nila
tayong nakikita kung ano ang kaya nating gawin. Ipagmalaki natin ng lubusan ang
pagiging Asyano natin dahil isa ito sa pinakamagandang lahi sa buong mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento