“Pagiging Asyano, ipinagmamalaki ko.”
Isinulat ni: Lyra Decano
“Kahit ano man ang kulay mo, kahit sino ka man, dapat mong ipagmalaki na ikaw ay isang ASYANO” – ito marahil ang kasabihang naririnig ko sa ating mga kababayang Asyano na nagta-trabaho sa ibang lugar. Marami na rin sa atin ang nakararanas ng diskriminasyon sa ibang lugar tulad sa Europa at Amerika. Lagi nalang mababa at trato at pagtingin sa atin ng ibang lahi. Ngunit bilang isang Asyano, paano mo maipapahayag sa buong mundo na ipinagmamalaki mo ang pagiging isang Asyano?
Alam nating lahat na ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo.
Kasama nito ay ang marami nitong populasyon. Kapag narinig natin ang salitang
“Asya”, marami ang pumapasok sa ating isipan. Sagana ito sa mga likas na yaman,
pampalasa, mga pasyalan at iba pa. Hindi lang iyan, nakilala rin tayo sa ibang
panig ng mundo. Sa larangan ng sining, pantikan, musika at palakasan, sikat din
ang mga Asyano. Isa na rito si Lea Salonga na gumanap na “Kim” sa Miss Saigon,
si Sitti Nurhaliza na may ginintuang tinig at puso ng Malaysia, si Yao Ming na
kilala sa larangan ng basketball at si Jackie Chan na kilala sa larangan ng
“martial arts”. Sa madaling saita, ang mga Asyano ay may natatanging kakayahan
at may “talento”.
Kung iyong mapapansin, maraming magagandang pasyalan ang makikita sa Asya. Sa
aking obserbasyon, maraming dayuhan ang dumarayo rito upang mamasyal at makita
ang ganda ng Asya. Marami rin mga iba’t-bang kultura at tradisyon sa nananatili
pa rin hanggang sa ngayon ang makikita lang sa Asya. Isa na rito ang Animismo
ng Japan, Budhismo sa China at kulturang Islam at Ifugao sa Pilipinas. At higit
sa lahat, dapat nating ipagmalaki na masisispat at palaban ang mga Asyano.
Hindi nila hahayaan na may mang-api sakanila. Pinagsisikapan nila na umangat sa
kanilang pamilya. Handa silang magtiis para lang sa kanilang mga pamilya.
Bilang
isang Asyano, maraming dahilan para ipagmalaki mo ang iyong lahi. Kahit na ikaw
ay isang Asyano, hindi mo dapat hayaan na ikaw ay apihin ng ibang lahi. Ipinanganak
tayo upang isigaw sa buong mundo na tayo ay Asyano. Hindi mo kailangang maging
sikat o mayaman para ipagmalaki na ikaw ay isang Asyano. Kahit na ikaw ay isa
lamang ordinaryong Asyano, maari mong patunayan at ipakita sa buong mundo na
ikaw ay karapat dapat na irespetong Asyano.
Credits to you po, dahil I used some of your lines for my output.
TumugonBurahinGaling mo po ginamit ko rin po to for my output
TumugonBurahinThank you po dahil nito may ideya akong na kuha para sa aming pag gawa ng sanaysay.
TumugonBurahinThank you po dahil nagamit ko po ito sa aking talumpati
TumugonBurahinPwede ba ito sa essay?
TumugonBurahinYess
BurahinCredits po sayo, ginamit ko po ang ilan sa aking paggawa ng talumpati Salamat.
TumugonBurahinThanks po, it's a big help
TumugonBurahinPwede po bayo sa maikling kwento
TumugonBurahintalumpati po ba to?
TumugonBurahinSalamat po
TumugonBurahinThanks 👍😍😌
TumugonBurahin