Huwebes, Oktubre 9, 2014


“Asyano ako, ipinagmamalaki ko.”
Isinulat ni: Markyla Dizon

Amerikano, Aprikano, Europeyo at Australyano. Sa dinami-rami ng mga lahi sa mundo, masaya ako na ako ay isang Asyano. Hindi man kasing puti ng mga Australyano at kasing-galing mag-Ingles ng mga Amerikano, kuntentong-kuntento na ako bilang isang Asyano. Masiyahin, pala-ngiti, mababait at magaganda ang trato sa kapwa ay ilan lamang sa mga katangian at kaugalian ng mga Asyanong tulad ko.

Sa kabila ng maraming diskriminasyon sa mga Asyano, tayo ay masaya at namumuhay na parang walang mga problema. Ipinapakita na parang maayos lang ang lahat at para bang walang pinagdadaanang pagsubok sa buhay.

Halimbawa nalang ng mga OFW, sila ay marangal na nagta-trabaho sa ibang bansa, hindi pansin kahit na sila ay malayo sa kani-kanilang mga mahal sa buhay. Napakasakit isipin, dahil sa kabila ng paghihiwalay nila sa kanilang mga pamilya’t kaibigan, sila ay sila ay nakatatanggap ng diskriminasyon. Sila ay madalas napag-iinitan ng ulo ng kanilang mga boss.  Pinaplantsa ang mukha, binubugbog at kung anu-anong bagay ang mga ipinagbabato sa kanila, masakit isipin, ngunit kailangan tanggapin.

Ako, bilang isang mag-aaral, wala akong sapat na kapangyarihan para ihinto ang bagay iyon na talagang laganap na sa buong mundo. Ngunit alam ko na kahit sa napakaliit at napakasimpleng bagay ay makatutulong ako. Tulad na lamang ng pagsusulat ng sanaysay na ito. Mailalahad ko na, ako ay isang Asyano, taas-noo, ipinagmamalaki ko.

Hindi hadlang ang sasabihin positibo man o negatibo. Hindi tayo nabibilang sa mababang antas ng lipunan. Sadyang ang ibang makikitid ang utak ay masyadong matataas ang tingin sa mga sarili nila. Sabihin natin sa kanila ang mga katagang ito: “Asyano ako, ipinagmamalaki ko.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento